Parang Picnic Lang

Kababalik ko lang sa barko from my 2-month long na bakasyon at eto na naman ako gumagala kasama ng ilan kong mga ka tropa – ka tropa sa kainan.

Hindi ka tropa sa inuman ha dahil ZERO PERCENT ALCOHOL policy kami rito. In short bawal sa amin ang kahit anumang inumin na nakakalasing. Well, sa una medyo mahirap talagang isipin na sa buong kontrata ko na 6 months ay hindi ako pwedeng tumikim ng beer o whisky. Kaya naman nung nasa Pinas pa ako ay sinamantala ko na ang mga pagkakataong makapag inuman kasama mga pinsan at mga uncles ko.
Naglalawig pa lang ang barko ay walang ibang nasa isip naming halos sobra sa 400 crew na mga Pinoy ay ang makakain na naman sa paborito at binabalikbalikan na seafood restaurant sa puerto ng Cadiz, Spain. Halos lahat na mga tripulante ng barko particular na sa mga cruise ships na may mga crew na Pinoy, isa lang ang pinaka unang pinupuntahan pagkatapos ng trabaho – sa isang seafood restaurant lang na ito talaga.
Hindi naman kalayuan ang kainan na ito mula sa barko. Siguro mga 10 to 15 minutes walk lang kong deri derecho ang lakad. Kaso dahil puro magaganda ang mga tanawin sa paligid ligid habang binabaybay ang makipot na daang yari sa ‘cobbled stone’, ay medyo mapatagal ng konti ang pagdating mo sa restaurant. Hindi mo talaga maiwasan na mapabagal at minsan mapahinto pa ang lakad para lang matingnan ang mga tanawin na kaakit akit at kakaiba. Minsan mapa iba ang dereksyon mo at papasok sa mga malilit na mga shops na nagbibinta ng mga souvenir items, damit at kong ano ano pa.
Kakaiba rin ang seafood restaurant na ito. Lahat na luto na matitikman mo dito ay walang iba kundi puro fried o prito lang. Pero kahit iisang putahe lang, patok na patok naman ito sa mga Asian crew particular sa mga Pinoy. At dahil hindi naman nag se serve ng rice ang mga restaurants dito, syempre may baon na kaming kanin kasama na rin ang sawsawan.
Parang nagpi picnic lang di ba?

cadiz_spain
%d bloggers like this:

Subscribe

Subscribe to my mailing list and get interesting stuff and updates to your email inbox.

Thank you for subscribing.

Something went wrong.