The Sound of Lithuania

Sa picture na ito ay nasilayan ko ang kultura ng Lithuania through music. Sa picture rin na ito ay nakikita ko ang ilan sa kanilang mga traditional music instruments – instruments na karaniwang ginagamit sa mga important gatherings and events.
First time ko sa port na ito kaya nung sa laot pa lang kami ay nagplano na akong mag shore leave para naman masilayan ko ano ba ang makikita ko dito. Unfortunately, hindi ako nakalabas, hindi ko alam kong tinamad ba ako o hindi ko talaga trip ang gumala sa malamig na lugar. But anyway, whatever the reason is, katawan ko lang ang nakakaalam so dito lang talaga ako sa barko hanggang umalis kami kaninang hapon. And ang dami kong nagawang mga gawain kanina, kahit mga work orders na hindi pa ‘due’ ay natapos ko na rin. Sipag ko talaga ano? Sana walang kokontra… 🙂
Pero maski hindi man ako nakalabas kanina, ay nasilayan ko pa rin ang Lithuania in some way through this picture. Itong picture na ito ang masasabi kong highlight sa pagbisita namin dito. Di ko man nasilayan ang mga tanawin sa city center or downtown or makabisita man lang ng kahit isang landmark, ang picture na ito ay nagsasabi ng mas higit pa sa mga tanawin.
I thought na pe pressure lang ako kapag may maraming trabaho na dapat tapusin, nakaka pressure rin pala ang paglalaro. Hindi basketball ang nilalaro ko dahil sa pag dribble pa lang ay hirap na ako. Ang game na nilalaro ko ay walang iba kundi ang my all-time favourite Sim City. Not Sim City 4 but Sim City 2013 or mas kilala sa Sim City 5. Kaya stop muna for tonight at matolog na.
Habang nagpapa antok, e post ko muna itong blog ko about sa Klaipeda, Lithuania kanina.

%d bloggers like this:

Subscribe

Subscribe to my mailing list and get interesting stuff and updates to your email inbox.

Thank you for subscribing.

Something went wrong.